DEREK AT ANDREA MUKHANG MAUUWI SA RELASYON ANG TAMBALAN

MUKHA ngang sa relasyon mauuwi ang pagtatambal ng Kapuso hunk actor Derekshowbiz eye Ramsay at sexy actress Andrea Torres ng Kapuso sexy drama series na “The Better Woman.”  Sa isang interview, ina­min ni Derek na aprub ng mommy niyang ma­ging girlfriend niya si Andrea, ngayong loveless siya.

Hindi rin nag-deny si Derek sa pagsasabing nagustuhan ng mommy niya si Andrea nang makilala ito noong mediacon ng first serye niya sa paglipat niya sa GMA. At madali raw nagkapalagayan ng loob ang dalawa.  Hindi lamang si Andrea ang na-meet ng  mommy niya kundi pati ang pa­rents nito, dahil in-invite ng daddy ni Derek ang parents ni Andrea nang mag-celebrate ito ng 76th birthday last July 31.

Kaya hindi na nagtaka ang netizens nang makitang kasama ni Derek si Andrea sa Shanghai, China nang sumali siya at ang kanyang Frisbee team sa World Flying Disk Federation 2019 Asia Oceanic Ultimate and Guts Championships. Inamin ni Derek na inimbita niya si Andrea na samahan siya sa Frisbee competition at five days silang nandoon, regret lamang ni Derek na hindi niya naipasyal si Andrea na first timer pala sa Shanghai, dahil hindi sila puwedeng lu­mabas dahil three times a day ang game nila.  Pero thankful si Derek na sinamahan at sinuportahan siya ni Andrea during the competition.

Pero hindi pa inamin ni Derek na sila na ni Andrea. “but she’s a great woman, a very talented actress and even better human being, she loves her family. Her mom always come on the set, natutuwa ako doon, dahil makikita mo na mahal niya ang kanyang family, ganoon din ako, very important sa akin ang family ko.  At si Andrea, she is beautiful.”

Sa ngayon ay papatindi na ang mga eksena sa “The Better Woman” na naiipit si Andrew (Derek) sa pagitan ng kambal na sina Jasmine, his wife, at Juliet, dahil nabuntis niya si Juliet nang magpanggap itong siya si Jasmine.  Saka naman suwerteng nabuntis din si Jasmine.  Ano kaya ang mangyayari?  Ang “The Better Woman” ay napapanood sa bagong timeslot, after ng romantic comedy series na “Love You Two.”

KATRINA HALILI HIRAP SA ROLE  NA MABAIT

NASANAY na ma­ging kontrabida, hirap pala si Katrina Halili na maging mabait sa KATRINA HALILIbago niyang Afternoon Prime na “Prima Donnas.”  Sinabi raw sa kanya ni Direk Gina Alajar na mabait talaga ang role niya, nanay na nanay sa triplets na isinilang niya.

“Challenge po talaga sa akin, bukod sa mabait ako sa harap ng kamera, kailangan ko ring papaniwalain ang mga mano­nood na mabait talaga ako.  Mahirap ding lagi kang nakangiti,” sabi ni Katrina.  “Kaya kailangan kong i-tone down ang sarili ko.  Pero I’m very thankful sa GMA Network na binigyan ako ng ibang role, hindi po ba tiwala ang tawag doon, tiwala sila na kaya kong gampanan ang ibang role.  Mahirap pala talaga ang inaapi.  Ngayon, eagerly awaiting ako kung kailan ako sasampalin at aawa­yin ni Ms. Kendra (Aiko Melendez).”

Napapanood ang “Prima Donnas” pagkatapos ng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” sa GMA 7.

4 thoughts on “DEREK AT ANDREA MUKHANG MAUUWI SA RELASYON ANG TAMBALAN”

  1. 942646 931486Excellent artical, I unfortunately had some difficulties printing this artcle out, The print formating looks a bit screwed more than, something you may want to look into. 550254

  2. 629273 642538Hi there, just became aware of your blog through Google, and located that its truly informative. Ill be grateful in the event you continue this in future. Lots of folks will benefit from your writing. Cheers! 679699

  3. 835155 536224Excellent post. I was checking constantly this weblog and Im impressed! Really valuable details specially the last part I care for such data much. I was seeking this particular information for a long time. Thank you and best of luck. 477036

Comments are closed.