DEREK AT ANDREA PUWEDE NANG MAGPAKASAL

IBINUNYAG ni Derek Ramsay na kung pipiliin niyang magpakasal ay wala nang The pointmagiging legal impediment tungkol dito.

Ito ay nang sagutin niya ang isang netizen na nag-wish na sana ay legally annulled na ito para mapakasalan ang kanyang current girlfriend na si Andrea Torres.

Maikli lang ang naging sagot ni Derek na, “I am dear,” kaya naging palaisipan ito sa mga kibitzers.

Napaisip tuloy ang i­lang netizens na baka raw pagpapapahiwatig ito na ready na ang actor na lumagay sa tahimik.

Mula naman sa mga taong malapit sa actor, kinumpirma nila na wala namang magi­ging problema kung sakaling  magpatali muli ang actor.

Una raw, idineklarang null at void ang kanilang kasal noon ni Mary Joy kaya legally, hindi ikinasal sa sinuman ang si Derek kaya malaya itong makapagdedesisyon kung gugustuhin niyang magpakasal.

Sa paliwanag na ito, marami naman ang natuwa at nabuhayan ng pag-asa lalo na iyong mga faney nina Derek at Andrea na  gustong magkatuluyan ang reel at real life lovers.

XIA VIGOR  BAGONG CHILD WONDER

MAY bagong child wonder na siguradong bo­bongga ang career.

Ito ay walang iba kundi ang dating Your Face Sounds Familiar contestant na si Xia Vigor.

May bentahe rin siya sa mga child stars na bumida noon. Bukod kasi sa maga­ling umawit at sumayaw, magaling ding umarte si Xia.

Katunayan, puring-puri ni Aga Muhlach ang kanyang bibo at natural actress sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” na kanilang pinagsamahan.

Si Xia ang gumaganap na anak ni Joselito (karakter ni Aga), isang mentally challenged na padre de pamilya na naging biktima ng kawalan ng hustisya nang makulong siya at mapagbinta­ngan sa salang hindi niya ginawa.

Bago pa rito, na­ging champion din siya sa Mini Me 2 segment ng It’s Showtime.

One thought on “DEREK AT ANDREA PUWEDE NANG MAGPAKASAL”

Comments are closed.