DEREK HINDI GUSTO NI ELLEN

Ellen Adarna

HINDI  ang aktor na si Derek Ramsay ang gusto ni Ellen Adarna.

Naging laman ng balita ang dalawa matapos na i-post ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang larawan ng mga ito na magkasama. nitong  Enero 11.

Bukod kay Ruffa ay naroon din sa pagtitipon ang ilan sa kanilang mga kaibigan at mga kasamahan sa showbiz na si John Estrada.

Nito namang Huwebes, isang selfie  ang ibinahagi ni Derek sa Instagram.Dahil sa kayang komento ay may ilang netizen na pumuna sa aktres. Ilang netizen din ang nagtanggol kay Ellen.

“Nag-comment lang malandi agad?” pagtatanggol ng isang netizen kay Ellen laban sa isa ring netizen.

Dito ay nagkomento si Ellen at sinabing hindi niya gusto si Derek.”… actually ‘di man si Derek ung gusto ko.. parehos kami ng gusto si @galibearstravel yan talaga ung totoo kaya wag ka na ma strong jan,” pabirong komento ni Ellen na tinag ang kanilang kaibigang si Gali Gonzaga≥

Sagot naman ni Ellen: “May the best man win.”

Sa nasabi ring comment section, sinagot ni Derek ang isang netizen na nagsabi sa kanyang “start flirting again.”

Sagot ni Derek: “… stay single muna.”

Sa ngayon ay parehong single sina Ellen at Derek na parehong dumaan sa kontrobersiyal na hiwalayan.

Ang dalawa  ay parehong single  matapos na huling maugnay kay Ellen ang aktor na si John Lloyd habang si Derek ay moving on na rin sa ex niyang si Andrea Torres. KALI CHAN

5 thoughts on “DEREK HINDI GUSTO NI ELLEN”

  1. 471907 406911It is really a nice and valuable piece of info. Im glad that you just shared this helpful information with us. Please keep us informed like this. Thanks for sharing. 671744

Leave a Reply

Your email address will not be published.