DEREK RAMSAY BUMIGAY, RUMESBAK SA MAKULIT NA NETIZEN

DEREK RAMSAY

HINDI na nakapagpigil si Derek Ramsay sa bastos na comment sa kanya ng isang netizen pagkatapos hotshotsniyang magbigay-pugay sa 65th  anniversary ng ABS-CBN via social media.

Last May 24 ay nag-post si Derek sa kanyang Instagram ng kanyang pasasalamat sa Kapamilya Network. Ang caption pa nga niya, “Complete respect to everyone at the Kapamilya network. Thank you for many years of service to all Filipinos and to the 6 great years I spend with you.”

Maraming netizen ang natuwa sa naging gesture ni Derek pero may isang basher na sinabihan ang actor na siya ay isang plastic, gaya raw ni Regine Velasquez na lumipat last year sa Dos pagkatapos ng maraming taon sa GMA 7.

“Alam mo Derek, kung ‘di ka pa loyal sa GMA ngayon, bumalik ka na sa Dos, kasi ‘di namin katanggap-tanggap ang mga plastic na artista tulad ni Regine,” comment pa ng basher.

Sagot naman ni Derek sa naturang basher.

“Wag kang bastos. I`m happy and loyal to GMA. They are great people. May respeto lang ako sa ABS dahil nagtrabaho rin ako du’n.”

Hindi pa roon natapos dahil may hirit pa ang basher. Sinabi pa nito ang ginawang paglipat ni Derek sa TV5 noong 2012.

Say ng netizen,” No wonder wala kang respect sa TV5, dapat d’yan ka rumespeto dahil diyan ka last nag-work. Nagpapansin ka ba?”

Sagot naman ni Derek:

“Ikaw yata, bro, nagpapansin. I`ve  always spoken highly of TV5. I had some of my best years there. I respect your loyalty to ABS but there is no need to be rude to prove it. Think about your actions buddy and more important, think before you speak.”

Tuloy pa rin ang birit ng basher kay Derek: “Sa bagay nakinabang  ka nga pala sa maruming kalakaran ng DATI mong network, kaya full support ka. ‘Di ba kuya Jimmy Bondoc?”

Ang muling sagot naman ni Derek: “Look, man! I have no idea what you are talking about but I hope all of this has brought you happiness in your life. You seem to have lots of anger, bro, and if I have helped you in anyway to let you vent out then that`s a posi-tive. Peace, bro.”

KAPAMILYA EMPLOYEE HINAMON NG SUNTUKAN SI JIMMY BONDOC

JIMMY BONDOCTINAWAG naman na fake news ni Jimmy Bondoc ang balitang lumabas na, “Jimmy Bondoc ipapasara ang ABS-CBN kay President Rodrigo Duterte.” Say pa ni Jimmy, “Fake news.” Una sa lahat, Congress po ang …Never mind.”

Sa bagong video na in-upload ni Jimmy ay naikuwento niya na may employee ang Kapamilya Network na hinamon siya ng sun-tukan, tinawagan niya ang naghamon at kanyang sinabi na magkita at mag-usap sila pero tila raw nagbago ang pananaw ng kausap at nag-sorry sila sa isa`t-isa.

Pero kapansin-pansin na hindi binabanggit ni Jimmy sa video ang ABS-CBN at hindi puro “organization” ang paulit-ulit na sinabi. At wala rin siyang sinabi na Kapamilya stars.

Graduate ng four-year course si Jimmy at sa ngayon ay isa siyang Law student.

Samantala,  ikinalungkot ni Gary Valenciano ang naging matapang na pahayag ni Jimmy Bondoc against sa isang malaking network. Pakiwari ni Gary ay baka raw may nangyari kay Jimmy kaya gusto nitong ipasara ang ABS- CBN.

“I don’t   know exactly  why Jimmy would come out so boldly and to say such things, but something must have happened, something must have occurred for him to become that way because that doesn’t seem like Jimmy I once knew.

“So, nakakabigla and I knew it was going to create a lot of wave whether it`s  people in the industry or even  people outside of the industry and maybe even people who are far away like OFW (Overseas Filipino Workers) who stay in contact with their fami-lies because of what ABS-CBN has been able to give them.”

Gusto raw niyang makausap si Jimmy at alamin muna ang dahilan kung bakit at ayaw raw muna niyang husgahan ang singer.

AYAN at ayaw pa rin tumigil sa pagpo-produce ng istorya ng dalawang nilalang na nagkahulugan ng loob, maganda at talaga naman kikiligin ka sa dalawang nagmamahal, pero sadyang ayaw talagang panoorin ng madlang people ang gan’yang tema ng pe-likula.

Eto pa ang ayaw pa ring papigil na pagpo-produce ng kabaklaan movie na hindi pa nailalabas sa mga sinehan ay masasabi nang flopsina ito oras na ilabas sa mga sinehan.

Kayo na rin mga producer at director ang sumisira sa takbo ng local movie industry. Kaya bawi na lang ng mga Tagalog movie ay makasama sa walong entry movie para sa darating na Metro Manila Film Fes-tival para makabawi kahit walang kalatoy-latoy ang istorya ng movie.

Comments are closed.