MAGIGING Kapuso na ang hunk actor na si Derek Ramsay.
Kinumpirma ng actor na nakipag-meeting na siya sa mga executive ng GMA7 sa posibleng project na gagawin nito sa kanila.
Gayunpaman, hindi pa raw niya maisi-share ang mga detalye tungkol dito dahil hindi pa nagkakapirmahan ng kontrata.
Isang drama series ang nakatakdang pagsamahan nila ni Jennylyn Mercado, ang favorite leading lady na nakasama na niya noon sa mga pelikulang “English Only, Please” at “All of You” na parehong naging kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Nakatakda sana itong simulan ngayong Nobyembre subalit siya na rin ang nag-request sa management ng Siyete na i-defer ito at sa susunod na taon na ito mag-umpisa.
Ayon pa kay Derek, hihintayin muna niya ang kanyang manager na si Joji Dingcong para maplantsa ang deal.
Sobrang excited din si Derek dahil kung hindi man sila natuloy ni Jennylyn sa kanilang third movie, magkakaroon naman ito ng katuparan sa isang soap.
Aminado ring malaki ang naging impluwensiya ng best friend niyang si John Estrada kaya kinunsidera niya ang alok ng Kapuso network.
Hirit pa niya, gusto rin daw nitong makatrabaho ang magaling na actor.
Kung matutuloy na ang pagpirma niya sa GMA7, ito na raw siguro ang huling proyekto niya bago pa siya magretiro sa showbiz.
SHARLENE SAN PEDRO AMINADONG BULLY
AMINADO ang Kapamilya teen actress at “Class of 2018” star na si Sharlene San Pedro na dati siyang bully sa klase nila, pero na-outgrow na raw niya ito.
Hindi rin niya ikinaila na malapit siya sa boys at minsan ay napagkakamalang tomboy dahil lumaki siya sa piling ng mga kapatid na lalaki.
Sey pa niya, may mga suitor din daw siya subalit hindi raw niya naging priority ang magpaligaw dahil mas gusto niya munang magpokus sa kanyang career.
Itinanggi naman niya na buwag na ang Jailene, ang love team nila ni Jairus Aquino.
“Ako naman po kahit kanino, puwedeng i-partner. Open po ako kahit sino ang makakasama ko. Tulad po ni Nash na kasama ko sa movie namin. Basta kung saan may trabaho, doon po ako,” paliwanag niya.
Hirit niya, gusto rin daw niya gumawa ng mga proyekto kung saan wala siyang ka-love team.
“Gusto ko kasing mag-explore. Gusto ko rin namang makagawa ng movies o teleserye na walang ka-partner, Challenge din po na makilala ka on your own na hindi ka identified sa love team,” sey niya.
Paliwanag pa niya, kung may offer daw sa kanilang dalawa, wala raw namang magiging problema sa kanya.
Huling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “Langit Lupa”.
Enjoy naman si Sharlene dahil patuloy ang pamamayagpag niya bilang veejay ng MYX channel kung saan naipakikita niya ang galing niya sa hosting.
Comments are closed.