MATAGAL na ring walang ginagawang movie o TV show si Derek Ramsay, simula nang umalis siya sa TV5 kung saan siya naka-contract. Kaya nang lumipat siya sa GMA Network early this year, marami nang naghihintay sa first teleserye niyang gagawin dito.
Nang lumabas ang GMA Summer Station ID, alam na ng netizens, na sigurado nang may gagawing project si Derek. Kasunod na nga nito ang look test niya at siya na rin ang nagsabi, na ang first teleserye niya will be entitled “The Better Woman” at makakatambal niya ang sexy actress na si Andrea Torres.
At ngayon na ipinalalabas na sa GMA 7 ang teaser ng “The Better Woman” na dinidirek ni Mark Sicat dela Cruz, marami nang excited na mapanood si Derek na matagal na raw nilang nami-miss.
Sa primetime telebabad ng GMA 7 mapanonood ang “The Better Woman.” Ano ang naging reaction ni Derek nang magsimula na sila ng taping ng sexy teleserye?
“I like the project, it’s very risky, very different and I got challenged. I don’t want to be safe. I love challenges and this is the project that I feel that is best for me.”
Umani na ng libu-libong likes and views ang teaser ng “The Better Woman” kaya post ni Derek sa kanyang Instagram account, “Im very excited for this project. Hope all of you enjoy our show. It’s been really tough doing it but definitely worth it. #thebetterwoman this July sa #gmatelebabad.
Subok na ang husay ni Derek sa pag-arte, kaya naman siniguro niya na magugustuhan ng manonood ang “The Better Woman” na umeere na ngayon sa GMA telebabad.
ALDEN RICHARDS LIBANGAN ANG MOBILE LEGENDS; SURREAL DAW NA NASA ABS-CBN
LAST weekend, dalawang gabing nanood si Pambansang Bae Alden Richards ng “Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2019 sa Araneta Coliseum.
Ito ang libangan ni Alden kapag medyo maluwag-luwag ang schedule niya. Pero hindi siya sumali, sinuportahan lamang niya ang mga kaibigang players. Happy naman ang fans na nakakita sa kanya sa Big Dome nang pumayag siyang magpakuha ng picture sa kanila.
Pagkatapos ng championship, isinama ni Alden ang mga naglarong friends niya sa Concha’s Garden Cafe niya sa Quezon City for dinner.
Last Monday evening naman nasa Araneta muli si Alden, to perform sa benefit concert ni Ai Ai delas Alas para sa patuloy na pagpapatayo ng simbahan ng Kristong Hari sa Novaliches, Quezon City.
Paisa-isa na rin ang pagpo-promote nina Alden at Kathryn Bernardo ng first team-up nila sa Star Cinema ng “Hello, Love, Goodbye” na sa July 31 ang showing nationwide. After maipalabas ang teaser ng movie na dinirek ni Cathy Garcia-Molina at ang launch ng official trailer nito, kahapon naman ay nagkaroon sila ng live chat sa Star Cinema Facebook, na napanood at 4:00 pm.
Pero bago iyon ay nag-shoot muna sina Kath at Alden ng video plugs or digital shoots para sa promo ng movie at biro ni Alden “medyo surreal po na nandito ako sa ABS-CBN” na sinagot naman ni Kath ng “welcome, Kapuso.”
Comments are closed.