DEREK RAMSAY NABIGLA SA PA-BIRTHDAY NI ANDREA TORRES

OVER naman ta­laga sa pagmamahal itong si Andrea Torres sa kanyang boypren na wallfacesi Derek Ramsay. Mas lalong tumindi nang inihayag na nila sa publiko ang tunay nilang relasyon.

Nitong nakaraang kaarawan ni Derek, la­king gulat niya sa surprise birthday party na ginawa ni Andrea. Inipon lahat ng sexy actress ang mga malalapit na kaibigan ni Derek. And to his surprise, pag-uwi nga niya ng bahay ay isang instant party ang sumalubong sa kanya. Hindi pa diyan nagtatapos ang pagmamahal ni Andrea sa boypren na nais ay makapiling lagi si Derek.

May time pa nga na kahit lakad ni Derek ay ‘di papayag si Andrea na hindi siya kasama, lalo na sa out of town. Mereseng may commitments si Andrea, gagawan talaga niya ng paraan para makasama sa boypren.

Anyway the feeling is mutual naman, say ni Derek sa lahat ng kanyang naging gf, si Andrea lang daw ang nakitaan niya ng sobrang pagmamahal sa  pamilya tulad niya. Isa ito sa dahilan kung bakit labis na nahulog ang loob ng aktor kay Andrea.

LOUISE DELOS REYES AMINADONG MAY KA-LIVE IN

AMINADO ang young actress at bidang babae sa movie na “My Bakit List” na si LOUISE DELOS REYESLouise delos Reyes, na live in na siya with non-showbiz businessman boypren.

Magkagayunpaman ay mariin namang sinabi ni Louise na hindi siya magpapabuntis hanggang ‘di sila kasal. Aniya pa, ‘yun daw ang kanyang pangako sa ama na “no baby out of wedlock.” Isa rin sa labis na ikinatutuwa ni Louise ay ang pagiging supportive boypren nito at hindi pinakikialaman ang kanyang showbiz career.

Pero may tsika na ang bf niya rin ang pumipigil sa kanya na gumawa ng sexy role tulad na lang ng ginawa niyang pagpapa-sexy sa movie nila ni Xian Lim. Ani ni Louise, desisyon talaga raw niya ang hindi pumasok sa sexy scenes. Ayaw daw niyang madamay ang kanyang pamilya sa mga isyu pagdating sa pagpapa-sexy ng isang artista. Maging siya rin daw ay choice niyang ‘wag magpa-sexy. Inamin ni Louise na noon pa man ay marami na siyang offer na magpa-sexy pictorial para sa isang magazine. Pero siya mismo ang nag-turn down ng offer.