DESIGN WEEK PHILIPPINES SIMULA NA BUKAS

MAGAGANAP mula ika-14 hanggang ika-21 ng Oktubre 2023 ang Design Week Philippines 2023.

Ito ay isang pagdiriwang ng disenyong Pinoy at pagkamalikhain ng mga Pilipino. Iba’t ibang aktibidad at kaganapan ang mangyayari sa loob ng isang linggo, kagaya ng mga talks, mga palihan o workshop, tours, at marami pang iba. Ito ay hatid sa publiko ng Design Center of the Philippines sa pakikpagtulungan ng iba’t ibang organisasyon, ahensiya, at mga grupo.

Upang makiisa at makita ang buong iskedyul ng mga ganap, maaaring bisitahin ang Facebook page ng “Design Week Philippines”.

Bahagi ng selebrasyon ang “Basic Woodworking Workshop” ni Arch. Rommel Roncesballes na gaganapin sa ika-14 ng Oktubre sa Making Space Studio. Kasama rin ang arts and design festival na gaganapin sa ika-28 ng Oktubre sa Whitespace Manila sa Makati. Bahagi ng festival na ito ang mga talks, panel discussions, live music, at marami pang iba.

Sa ika-15 ng Oktubre naman ay gaganapin sa Common Room PH ang isang “sit down session” kung paano magtatayo ng negosyong “sustainable, resilient, at impactful”. Libre ang talk na ito, kailangan lamang mag- sign up bago ang event.

Nakapaloob pa rin sa Design Week Philippines 2023 ang “Design Playground” na magaganap naman sa ika-21 ng Oktubre sa Philippine Trade Training Center. Isa itong eksibisyon ng mga “type, lettering, o calligraphic designs” na iiimprenta sa tote bags at ie-exhibit sa show na ito.

Matatagpuan ang mechanics ng event na ito sa https://bit.ly/DWP2023-DesignPlayground. Sa Wild Restaurant, Siargao naman ay gaganapin ang isang Pottery Workshop and Mantra Music Meditation sa ika-21 ng Oktubre. Maaaring mag-sign up sa www.siargaopottery.com

Narito ang mga talks na magaganap sa ika-24 ng Oktubre sa The Astbury, Makati (o sa Zoom): State of Philippine Design (9:30 n.u.), Designing Your Career: Talks (1:00 n.h.), Designing Your Career: Folio Reviews (2:00n.h.), at Designing the Design Studio (3:30 n.h.)