DESILTING SA MANILA BAY SINIMULAN NG DPWH

MANILA BAY-2

SINIMULAN kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  at ibang ahensiya ng gobyerno ang “Sagip Manila Bay.”

Kabilang sa mga  ahensiya ng  gobyerno na nanguna  sa unang salvo ng  “Sagip Manila Bay” ay  ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), Local Government Units (LGU), Department of Education (DepEd) Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Bureau of Soil and Water Management (BSWM), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Budget and Management (DBM), Philippine Coast Guard (PCG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), Maritime Group, Philippine Ports Authority (PPA), MWSS, at Local Water Utilities Administration.

Upang mapadali ang Sagip Manila Bay, nagpadala ang DPWH ng amphibious excavators, dumping scows, dump trucks, debris segregator, street sweepers, at vacuum sewer jet cleaners na siyang gagamitin sa paglilinis.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar,  isasagawa na ang  full-blast dredging partikular na sa critical section ng Manila Bay kaya  inalerto niya ang Bureau of Equipment, Regional at District Engineering Offices sa loob ng  Metro Manila.

Kasabay ito ng pagtatalaga ng 28 equipment, at 50 personnel na mag-o-operate ng 16  oras sa isang araw.

Magsisimula silang mag-desilt mula 150 metro  mula sa  shoreline ng Manila Bay, at inaasahan na aabot sa 225,000 cubic meters ng mga putik ang maaalis sa loob ng 1.5-kilometer mula sa Manila Yacht Club breakwater papuntang US Embassy.

Ayon naman kay DPWH BOE Director Toribio Noel Ilao, ang implementation ng desilting sa Manila Bay ay hinati sa limang (5) sectors, ito ay magmumula sa 200 to 300-meter long, hanggang matapos ang  1.5-kilometer sa loob ng 90 o kaya 120 days.

Bukod sa gagawing dredging activities sa Manila Bay, makikipagtulungan ang DPWH, DENR, MMDA, at PCG, sa clean-up at declogging sa mga drainage at canals sa Manila City gamit ang Vacuum Sewer Jet Cleaner.    FROI MORALLOS

Comments are closed.