DESISYON KUNG TULOY O HINDI ANG BRGY POLLS HINIHINTAY

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na iaanunsiyo ng Kongreso ang desisyon nito bago matapos ang buwan ng Agosto kung ipagpapaliban o ipagpapatuloy ang nakatakdang 2022 barangay at Sangguniang Kabataan election sa Disyembre.

Ito’y sa gitna ng mga panawagang pagpapaliban sa nasabing eleksiyon upang makatipid ng nasa higit walong bilyong piso.

Gayunman, naniniwala si Comelec chairperson George Garcia na dapat ipagpatuloy ang eleksiyon mula sa orihinal na petsa nito na paraan aniya upang palitan ang mga aniya’y tiwali, walang kuwenta, at hindi talaga mga performer na nanunungkulan sa pamahalaan.

Gayundin ang pagkakataon upang mapanatili ang mga lider na karapat-dapat na mamahala.

Giit nito tama na magkaroon ng halalan subalit, kinikilala nito ang absolute na discretion o ang pagpapasya ng Kongreso kung ipagpapaliban o itutuloy ang eleksyon. DWIZ882