LAGING nakasuporta si Dingdong Dantes sa mga desisyon ni Marian Rivera pagdating sa paggawa ng anumang programa.
Nang nakapanayam ng press via Zoom si Dingdong ay malugod niyang sinasagot ang mga ibinabatong katanungan hinggil sa kanya at sa pamilya. Lalo na ang tungkol kay Marian.
Ani Dingdong: ”Anumang desisyon ni Marian sa kanyang career moves ay sang-ayon ako. Pagdating sa career niya, alam na niya ang dapat gawin.”
Hindi man magsalita si Dingdong nang derecho, halata sa kilos at pananalita niya na natutuwa siya kay Marian na laging priority ang pamilya ng actress.
Maliliit pa ang kanilang dalawang tsikiting. One year old pa lang si Sixto at ang panganay na Zia ay 5 years old. Parehong dapat tutukan ni Marian ang paglaki.
Proud si Dingdong sa wife na si Marian na No. 1 sa mga desisyon ng actress ang pamilya.
Si Dingdong naman ay busy sa kanyang showbiz career. Dalawa ang programa niya sa GMA. Ang soap na Descendants of the SunPH ay nag-i-air na ngayon ng fresh episodes. Kasama ni Dingdong si Jennylyn Mercado bilang leading lady sa pinag-uusapang DOTS soap na mapapanood at 9:15 pm sa GMA 7.
o0o
Paboritong GMA News TV shows, balik fresh eps na
Simula ngayong Lunes (Nov. 9), mapapanood na muli ang ilang programa ng GMA News TV with fresh episodes. May aabangan ding new show sa 9:15 pm slot ng nasabing channel.
Sisimulan ito ng pagbabalik ere ng nakaka-good vibes na show na Good News kasama si Vicky Morales tuwing Lunes. Mapapanood naman every Tuesday with new episodes ang Pinas Sarap kasama ang paborito nating ka-food trip na si Kara David. Patuloy rin si Susan Enriquez sa pagdiscover ng mga bagay upang tayo ay magkaroon ng pagkakitaan ngayong new normal sa Pera Paraan tuwing Miyerkoles.
Tuwing Huwebes, tiyak na makaka-relate ang mga youth at youth at heart sa bagong reality program na IRL (In Real Life) kasama ang Global Endorser na si Gabbi Garcia. Ipapakita naman ni Drew Arellano kung paano na nga ba bumiyahe in the new normal sa all-new episodes ng Biyahe ni Drew sa Biyernes.
Nakatutuwang unti-unti nang nagbabalik ang mga regular program sa telebisyon at may bago pang nadadagdag. Kaya naman, makihang-out na kasama ang mga paboritong programa tuwing 9:15 pm, Lunes hanggang Biyernes sa GMA News TV.
Comments are closed.