CAMP AGUINALDO – HINDI sinalungat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang posibilidad na maapektuhan ng desisyon hinggil sa legalidad ng ipinagkaloob na amnestiya kay Senador Antonio Trilanes IV ang iba pang mga amnesty grantees o mga kasamahan nito na nag-apply ng amnestiya o magkakasama sa listahan ng inaprubahang amnesty.
Ito ang naging pag-amin ng kalihim sa panayam sa kanya ng mga kasapi ng Defense Press Corps kahapon.
Kinumpirma rin ng kalihim na personal siyang tinawagan ni SolGen Jose Calida noong August 16, 2018 kung saan hiniling nito ang ilang mga dokumento kaugnay sa amnesty application ng senador.
Subalit, sa huli ay nilinaw ni Lorenzana na hindi lamang kay Trillanes ang hininging mga dokumento kundi maging sa mga kasamahan nito bilang bahagi umano ng ginagawang research.
Hindi naman binanggit ni Lorenzana kung sino-sino ang mga kasama sa listahan bukod kay Trillanes. “I think ‘yung, nakita ko marami yun e, more than a hundred yata yun e, tapos ilang pages yung pinirmahan ni Sec. Gazmin.”
Nilinaw ng kalihim na ni-refer lamang niya sa AFP ang tangapan ng Solicitor General para sa kanilang mga hinahanap na dokumento kung saan nagpadala si Solgen Calida ng kinatawan para sa mga hinahanap na mga dokumento. Aniya, ibinigay nila ang request ng Solgen pero hindi nito masabi kung anong dokumento ang ibinigay kay Calida.
Kaugnay nito, inihayag ni Lorenzana na hindi siya kinonsulta ng Office of Solicitor General o maging ng Malacañang sa isyu ng revocation ng amnestiya ni Trillanes.
Unang inihayag ng DND at AFP na nawawala ang dokumento o ang amnesty application ni Trillanes na naging basehan sa pag-revoked sa amnestiya nito.
Wala namang komento si Lorenzana sa pahayag ng Malacañang na posibleng makulong si dating Defense chief Voltaire Gazmin dahil sa usurpation of authority.
Hindi pa rin nagkakausap sina Lorenzana at Gazmin ukol sa isyu.
Samantala kinumpirma ni Lorenzana na base sa impormasyong ibinigay sa kanya ni AFP chief of Staff Gen Carlito Galvez. VERLIN RUIZ
Comments are closed.