(Desisyon sa poll protest ilabas na) ALKALDE UMAPELA SA COMELEC

Comelec

UMAAPELA sa Commission on Elections si Sultan sa Barongis Mayor Alfizzar Angas na mag-isyu ng desisyon sa election protest na inihain ng kanilang kalaban at natalong mayoralty candidate noong May 2019 polls.

Sa radio interview, sinabi ni Mayor Angas na nalilito na ang kanilang mga kababayan sa Sultan sa Barongis sa nilikhang kontrobersiya ng inihaing protesta ni former Maguindanao Board Member Mamatanto Mamantal.

Si Mamantal ay naunang kinatigan ng regional trial court sa kinukuwes­tiyong mga boto sa dalawang barangay doon.

Kinontra naman ito ng mga abogado ni Mayor Angas at humirit ng temporary restraining order sa Comelec noong December 2019.

Nitong Pebrero 18, 2020, nagtapos na ang binigay  ng Comelec ng 60-araw na injuction sa ruling ng korte.

Si Mayor Angas, ang nanalong Vice-Mayor noong May elections, na humalili sa kanyang tiyuhin na namatay noong nakaraang taon dahil sa malubhang karamdaman.

Umaasa si Mayor Angas na reresolbahin ni Comelec First Division head Comm. Rowena Guanzon ang nasabing usapin.

“Sana po maresolba na agad ni Comm. Guanzon sa lalong madaling panahon ang kaso dahil ang naapektuhan po ay ang mga residente ng Sultan sa Barongis. Nalilito po ang taumbayan sa inisyung writ of execution ng korte na hinarang ng TRO. Pero nagtapos na po ang TRO ay wala pang desisyon hanggang ngayon,’” dagdag ni Mayor Angas

Sinabi naman ni Atty. Ronald Torres, abogado ni Mayor Angas, na sana ay panigan ni Guanzon ang katotohanan base sa merito ng kaso.

Sa ginanap na hearing nitong Enero, labis umanong napahiya si Mayor Angas sa ‘di inaasahang tanong ni Comm. Guanzon na  umano’y wala namang kinalaman sa election protest.

4 thoughts on “(Desisyon sa poll protest ilabas na) ALKALDE UMAPELA SA COMELEC”

  1. 955103 235814I enjoyed reading your pleasant site. I see you offer priceless information. stumbled into this site by chance but Im certain glad I clicked on that link. You undoubtedly answered all of the questions Ive been dying to answer for some time now. Will undoubtedly come back for much more of this. 548826

  2. 547863 167671I believe this is among the most vital information for me. And im glad reading your article. But wanna remark on few common points, The site style is perfect, the articles is truly fantastic : D. Very good job, cheers 166347

Comments are closed.