DESSERTS NA SWAK SA BAGETS

DESSERTS-4

(ni CT SARIGUMBA)

PAGKAIN. Sino pa nga ba naman ang makahihindi sa pagkain? Ito na ang isa sa paborito nating mga Filipino. Parang pag-ibig lang na kapag wala ito, hindi tayo liligaya.

Hindi lang ulam ang ipinagmamalaking pagkain nating mga Filipino kundi maging ang dessert. Pero hindi rin naman lahat ng masarap ay healthy. Hindi naman kasi lahat ng pagkain ay masasabi nating safe at makatutulong sa ating kalusugan.

Siyempre, kung mag­hahanda na rin lang tayo para sa ating pamilya o sa ating mga anak, dapat ay siguraduhin na­ting matutugunan nang ipakakain natin sa kanila ang pangangailangan ng kanilang katawan.

Karamihan sa mga mommy, hirap na hirap pakainin ang kanilang mga anak. Mapili kasi ang mga bata. May ilan pang ayaw kumain lalo na kung hindi nila gusto ang mga inihahanda.  Mahirap din namang pili­tin lalo na kung bata pa.

At dahil diyan, na­rito ang ilang desserts na siguradong katatakaman ng mga bagets:

CHOCOLATE EGG CREAM

Isa pa sa napakaraming benepisyong makukuha ay ang itlog.  Kumpleto na ito sa sustansiya kaya naman napakaganda nitong ihanda sa ating pamilya lalong-lalo na sa ating mga tsikiting. Mas maganda itong ipakain sa agahan para hindi maging lambutin ang inyong mga anak.  Napakasimple lang ding gawin nito, ang mga sangkap na kaila­ngan nating ihanda ay ang 2 kutsarang chocolate syrup, 3 kutsara ng milk, 1/8 teaspoon ng vanilla extract at seltzer water.

Kapag naihanda na ang mga kakailanganing sangkap, ilagay lamang ang chocolate syrup, milk at vanilla extract sa isang may kalakihang baso at saka haluing mabuti. Ituloy lang ang pag­halo habang inilalagay ang seltzer water para hindi magbuo-buo.

GRILLED BANANAS WITH MAPLE CREME FRAICHE

Hindi basta-basta ang saging, nakatutulong ito para ma-overcome natin ang nadarama na­ting depression. Kaya hindi lamang para sa bagets ang reci-pe na ito, puwedeng-puwede ito sa buong pamilya.

Nakatutulong din ang saging upang maiwasan ang muscle cramps at nakapagpapaganda ng mood. Nagtatag­lay rin ito ng potassium at nakatutulong sa digestion.

Kaya naman, maganda itong ipakain sa ating mga tsikiting. At ang isa ngang recipe na maaari ninyong gawin ay ang Grilled Bananas with Maple Creme Fraiche.

Sa mga gustong matuto kung paano ito gawin, ang mga kakailanganing sangkap ay ang apat na pirasong saging, balatan at saka hiwain, vegetable oil, 1 tasa ng crème fraiche at ¼ na tasang maple syrup.

Para naman sa paggawa nito, painitin lang ang grill at pahiran ang saging ng vegetable oil at saka ilagay sa ihawan. Kapag naging golden brown na ang kulay, baliktarin naman.  Kaila­ngang magpantay ang pagkakaluto ng bawat side. Kapag naluto na ay ilagay na ito sa isang lalagyan at saka lagyan ng syrup at crème fraiche. Simple lang, masarap pa.

ALMOND BANANA PANCAKES

Mahilig nga naman ang marami sa atin sa pancake. Kaya’t swak na swak din itong ihanda sa mga tsikiting. Bukod sa masarap ito, kahit sa bahay ay puwede natin itong ihanda.

Masarap din itong pagsaluhan lalo na kung kakaluto pa lang.

At para mas mapasarap ang pancakes, maaaring gumawa ng Almond Banana Pancakes. Isa rin ang saging sa paborito ng mga bata at masustansiya pa.

Ang mga sangkap sa paggawa ng Almond Banana Pancakes ay ang bananas, smoth almond butter, eggs, ground cinnamon, coconut oil at hiniwa-hiwang saging para pandekorasyon.

Sa pagluluto nito, pagsamahin lang ang dinurog na saging, butter at itlog sa isang lalagyan, haluin. Kapag nahalo na ay lagyan na rin ng cinnamon. Pagkatapos ay lutuin na ito.

Bago ihanda, budburan o lagyan ito sa ibabaw ng hiniwa-hiwang saging. Puwede ring samahan ng syrup.

Simpleng-simple lang pero tiyak na swak na swak ito sa panlasa hindi lamang ng inyong mga tsikiting kundi ng iyong buong pamilya. Kaya huwag magdalawang isip pa, subukan na at mag-enjoy! (photos mula sa southernladymagazine.com, foodnetwork.co.uk, epicurious.com)

Comments are closed.