DFA BUMUO NG TEAM PARA IMBESTIGAHAN ANG KASO NG BRAZIL AMBASSADOR

Foreign Secretary Teodoro Locsin

BUMUO ng team ang Depatment of Foreign Affairs (DFA) para mag-imbestiga kaugnay ng pagmamaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang Pinay staff.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na natanggap na niya ang Presidential Directive no.2020-196  na nag-aatas sa DFA na imbestigahan ang pagmaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang Pinay household staff.

Ayon kay Locsin, binigyan sila ng Malakanyang ng 15 araw para magsumite ng report sa Presidential Management Staff.

Sinabi ng kalihim, bumuo na siya ng Fact-Finding Team na magsasagawa ng imbestigasyon laban kay Ambassador Mauro.

Kabilang sa team ay  sina Philippine Consul General to Sydney Ezzedin H. Tago,  Jaime B. Ledda CM1, Narciso T. Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos ng DFA-Humàn Resources  Management Office.

Sa ilalim ng Sec. 51 ng R.A. 7157 o Philippine Foreign Service Act Of 1991, ang sino mang ambassador ng bansa  na may nagawang kasalanan ay hindi maaaring isailalim sa formal Investigation kapag walang basbas ng Pangulo. LIZA SORIANO

Comments are closed.