DFA IGINIIT NA SA PILIPINAS ANG AYUNGIN SHOAL

MULING  iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pagmamay-ari ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng umano’y paulit-ulit na pagtataboy ng mga Chinese Coast Guard sa mga bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa nasabing lugar.

Ayon kay DFA Spokesperson Tess Daza, ang naganap na insidente ang kanilang magiging basehan para ipagpatuloy ang paghahain ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China.

Sinabi ni Daza na karapatan ng mga Pinoy-fisherman na magkaroon ng malayang pangingisda sa loob ng Pilipinas at gawin ang kanilang sovereign rights at hurisdiksyon sa lugar nang hindi nakatatanggap ng anumang pangha-harass mula sa ibang mga bansa.

Matatandaang ilang beses nang sinampahan ng diplomatic action ng Pilipinas ang China dahil sa mga aktibidad nito sa West Philippine Sea na bahagi ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas. DWIZ882