DFA INAALAM KUNG MAY PINOY NA NADAMAY SA HAITI QUAKE

HAITI QUAKE

PASAY- INAALAM pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Filipino sa 11 na nasawi sa 5.9 magnitude quake sa northwest coast ng Haiti.

Nabatid na ang sentro ng lindol ay naitala sa 19 kilometers (12 miles) northwest ng Lungsod ng Port-de-Paix.

May lalim na 11.7 kilometers ang naturang lindol, na naganap alas-8:10 ng gabi.

Samantala, hini­mok naman ni President Jovenel Moise ang mga Haitian na manatiling kalmado at sinabing tinutulungan na ng mga local at regional authorities ang mga nangangailangan ng tulong.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.