PASAY CITY – AGAD nang kumilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga overseas Filipino worker (OFW) o Filipino migrant na biktima sa pagsabog malapit sa Bologna airport sa Italy.
Sa ulat, isa ang patay habang mahigit 60 katao ang napaulat na nasugatan nang sumalpok ang isang tanker truck sa isa pang trak saka sumabog.
Sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng bansa sa Italian authorities at mga miyembro ng Filipino community.
Sa tala ng kagawaran, mayroong 20,000 Filipinos sa Emilia Romagna Region kung saan matatagpuan ang Bologna.
Samantala, wala ring natatanggap na ulat ang DFA kung may Pinoy sa 98 katao na nasawi sa 6.9 magnitude na lindol sa isla ng Lombok at Bali Indonesia.
Pahirapan na ang pagliligtas sa mga biktima na natabunan ng mga nagtumbahang gusali at poste ng koryente.
Mahigit na 20,000 katao naman ang nawalan ng bahay dahil pa rin sa lindol.
Ipinag-utos naman ni President Joko Widodo ang mabilisang rescue at pagpapadala ng helicopter sa mga lugar na naapektuhan.
Aabot na rin sa 2,000 turista ang nailipat ng isla mula sa Lombok at Bali dahil sa pangamba sa kanilang buhay. EUNICE C.
Comments are closed.