PASAY CITY – Nakikipagtulungan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa agarang pag-aresto sa suspek na gumahasa sa isang Pinay household worker.
Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, na nag-isyu na aniya ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si Mr. Fayed Naser Hamad Alajmy, 22, isang Kuwaiti Police Officer.
Lumalabas sa report, na noong Hunyo 4 ng taong kasalukuyan, na si Alajmy ang nag-assist sa biktima nang dumating ito sa airport ng Kuwait para sa finger scanning registration.
Pagkaraan ay kinidnap at ini-assault nito ang nasabing OFW.
Dagdag pa ni Lomondot, na nakipagtulungan naman ang employer ng biktima sa embahada ng Filipinas at sa local authorities sa Kuwait para sa hustisya nito.
Tiniyak ng DFA, na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng naturang Pinay worker. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.