KUMIKILOS na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para hingin ang pardon para sa 13 Filipina surrogate mothers na ikinulong sa Cambodia.
Ayon sa DFA, ito ay isang whole-of-government approach at maraming mga ahensiya ang katuwang sa ginagawang pagliligtas sa mga Pinay.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Phnom Penh sa Cambodian authorities kaugnay sa naturang usapin.
Napag-alaman mula sa korte, ang 13 Pinay ay kabilang sa 24 na dayuhang kababaihan na nahuli ng Cambodian police sa Kandal province noong Setyembre at kinasuhan ng attempted cross-border human trafficking.
Ayon sa korte, may matibay na ebidensiya na may intensiyon ang 13 na magkaroon ng mga anak para ibenta sa ibang indibidwal kapalit ng pera na isa aniyang gawain ng human trafficking.
RUBEN F