PASAY CITY – LUMAGDA ng kasunduan o memorandum of understanding (MOU) ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pribadong kompanya para itayo ang passport renewal center sa Wafi Mall sa Dubai, United Arab Emirates.
Bunsod nito, inaasahan na mapabibilis ang renewal ng pasaporte ng mga Filipino na nakabase sa UAE at Saudi Arabia at hindi na kailangang umuwi pa ng Filipinas.
Ang kauna-unahang passport renewal center ay pinasinayaan sa Dubai Health Care City.
Sumaksi naman sa MOU signing sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at VFS Global head ng business development Chris Dix. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.