WALA nang Pinoy sa Hong Kong ang may COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa post online ni DFA Undersecretary Brigido Dulay, sa ngayon ay wala nang naitatalang tinamaan ng COVID-19 ang konsulado ng bansa roon.
Ayon pa kay Dulay, gumaling at na-discharge na sa mga pagamutan ang lahat ng mga nagpositibong Pinoy sa naturang virus.
Samantala, sa huling datos na inilabas ng DFA, may kabuuang 5,259 na mga Pinoy na ang nahawaan ng virus sa iba’t ibang panig ng mundo. DWIZ 882
Comments are closed.