IGINIIT ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi hihingi ng tawad ang Pilipinas sa Kuwait.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na walang nilabag ang bansa sa kasunduan at patakaran na ipinatutupad ng Kuwaiti government.
Ayon kay De Vega, hindi kailangang kalimutan ang dignidad ng mga Filipino workers para lang alisin ang entry ban sa nasabing bansa.
“Sa palagay ng pamahalaan at ni Pangulong Marcos hindi na kailangan pang humingi ng tawad kasi tinatanong ko sa ating kababayan, tayo ba ay magsusumamo o kakalimutan na natin ang ating dignidad para lang payagan tayong magtrabaho muli doon o i-decline iyong suspension, I mean hindi na kailangang mag-apologize kasi para saan nga ba tayo mag-a-apologize dahil masyado lang ganado ang ating embahada, iyong mga taong tumulong sa ating mga kababayan, at na-offend ang mga Kuwaiti.
“Well layunin naman nila iyon, so tayo ba humingi sa mga Kuwaiti kahit ang daming runaway, parang ah sa palagay natin puwede tayo, we want to discuss with you ang ating gagawing procedures para hindi namin nalalabag ang anumang patakaran na sinasabi niyo,” sabi ni De Vega.
Nanindigan din ang opisyal na hindi nila isasara ang shelter sa Kuwait kahit pa na-decongest o natulungan na ang natitira pang mga Pilipino roon.
Aniya, 275,000 Filipino workers ang legal na nagtatrabaho sa Kuwait habang 5,000 naman ang walang papeles na patunay na bukas ang nasabing bansa sa bilateral talks.
“Parang message din iyon ng Kuwait that the door is still open, in-explain iyon ng Kuwait na the door is still open for negotiations, para ayusin natin ang issue, tiyaka ayun naman ang position ni President Marcos ng pamahalaan na puwede tayong magkaroon ng misunderstanding, pero puwede nating pag-usapan iyan pero iyong tungkol sa apology, isa pa kasi sa ire-request nila, pero puwede tayong magbigay ng pangako na hindi natin nilalabag ang kanilang panuntunan pero bakigt natin iaadmit usually charge o i-recall ang mga before iyong mga console,” dagdag pa niya.
-DWIZ 882