DFA PASSPORT ON WHEELS NASA OPISINA, OSPITAL, SUBDIVISION AT PAARALAN NA

PASSPORT ON WHEELS

PASAY CITY – PATULOY ang pagpupursige ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang makapagbigay ng serbisyo publiko sa pa-mamagitan ng pagdadala ng Passport on Wheels (POW) sa mga opisina, ospital, subdivision at paaralan sa buong Filipinas.

Sa isang panayam, sinabi ng DFA na simula nang inilunsad nila ang programang POW noong Enero ng taong ito, na­dagdagan ang kanilang kapa-sidad na makapagbigay ng serbisyo sa passport applicants.

“Sa pamamagitan ng Passport on Wheels, hindi lang natin nailapit ang consular services sa mga mamamayan, kundi ang mas importante, ay naser-bisyuhan natin ang higit kumulang 138,000 na aplikante mula noong Enero,” saad ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Dagdag pa sa mga syudad at munisipalidad, dinalaw rin ng POW ang ilang tanggapan ng gob­yerno gaya ng Malacañang, Senate, House of Repre-sentatives, Department of Health, National Commission on Muslim Filipinos, Armed Forces of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas, at Subic Bay Metropolitan Authority.

Pati ang mga empleyado mula sa GMA Network, Aboitiz at Nestle ay nakinabang sa POW program. Nagpunta rin ang DFA sa mga ospital gaya ng St. Luke’s Medical Center at Tricity Medical Center, at mga partner na homeowners’ associ-ation tulad ng Lo­yola Grand Villas sa Quezon City, para magsagawa ng consular missions.

Noong nakaraang ika-30 ng Hunyo, dinalaw ng POW ang Xavier School kung saan 1,903 na aplikante ang kanilang naserbisyuhan.

Sinabi ng kalihim na kahit anong LGU, kompanya, paaralan o organisasyon ay maaaring maka-avail ng POW service, kailangan lamang nila na magpadala ng written request sa Assistant Secretary for Consular Affairs ng DFA sa email na [email protected].

Kailangang lamanin ng nasabing sulat ang estimated number ng mga aplikante (na hindi bababa sa 500 at hindi lalampas sa 2,000), pangalan, contact details ng designated Passport Coordinator, at ang nais nilang schedule.

Sinabi ni Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca na ang demand sa passport ay lubhang tumaas mula taong 2016 dahil sa dumara­ming middle class na indibidwal,  pagkakaroon ng abot-kayang plane fares, at nakakahi-kayat na oportunidad ng trabaho sa ibang bansa.

Inilahad din ni Assistant Secretary Cimafranca ang iba pang hakbang na isinagawa ng DFA para matugunan ang demand ng publiko sa passport. Binuksan kamakailan ng DFA ang mga bago nitong consular offices sa Tacloban City, sa San Nico-las sa Ilocos Norte at Santiago City ng Isabela, sa-mantalang ang DFA Aseana na matatagpuan sa ­Parañaque ay binuk-san na rin ang kanilang passport services tuwing Sabado, nito lamang taon.

Dinagdagan din ng DFA ang kapasidad ng bawat consular offices, pinalawak ang courtesy lane sa mga sektor na siyang nangangailangan, at hinuli ang fixers at scammers.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.