HINIMOK ni Senador Koko Pimentel ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mabilis na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino sa Taiwan na maaaring naapektuhan ng 7.5 magnitude na lindol.
“We must act with urgency to extend the necessary assistance and support to our OFWs and ensure their safety and well-being,” ani Pimentel.
Sinabi nito na naninindigan siya sa pakikiisa sa mga mamamayan ng Taiwan sa panahong ito at nagpapabot ng suporta habang nagsisikap silang muling makabangon.
Samantala, ipinaabot ni Sen. Grace Poe ang kanyang “deepest sympathies” sa mga mamamayan ng Taiwan na naapektuhan ng lindol.
“Our support also goes for the many individuals providing emergency assistance and rescue efforts on the ground,” sinabi ni Poe.
“We are confident that with the resilience and hard work of the Taiwanese people, they will recover from this tragedy and rebuild their communities anew,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO