NANINIWALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magbubukas sa mga bagong trabaho ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa pagitan ng mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at anim na bansang kapartner nito.
“That would mean more jobs because when you trade, you will open up more investments. And when you will have more investments, then you will have more jobs for Filipinos,” sabi ni DFA Assistant Secretary for ASEAN Affairs Maria Hellen de la Vega.
Layunin ng RCEP na pag-ugnayin ang mga bansang kasapi ng ASEAN (Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam) at ang anim na bansang ka-partner nito (Australia, China, India, Japan, South Korea at New Zealand) na nasa ilalim ng Free Trade Agreements (FTAs) at maitaas sa 3.5 billion ang market mula sa 600 million ngayon.
Binigyang diin din ni De la Vega ang ‘’upward trajectory’’ sa paglago ng pakikipagkalakalan ng Filipinas sa India na makatutulong umano sa pag-usad ng RCEP.
“This upward trajectory had helped of course and so this is one of the reasons why we are quite confident that it is really high time to conclude the RCEP between ASEAN and the other countries where we have FTAs,” dagdag pa niya.
Hindi lamang magbibigay daan sa mga bagong trabaho makatutulong ang RCEP dahil maaari rin nitong mapataas ang kalakalan sa ating bansa.
Gayunpaman, binanggit din ni De la Vega, na nasa mga dialogue partners pa rin ang desisyon kung isasagawa ito. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.