DFA SA OFWs SA LIBYA: UMUWI NA KAYO, PLEASE!

DFA

PASAY CITY – NAKIKIUSAP at nagmamakaawa na si Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin  sa mga Filipino na nasa Libya na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy para sa pos-sible evacuation.

Ito ay upang makaiwas sa disgrasya dahil lalo pang umiigting ang sigalot sa nasabing bansa.

Ginawa ng kalihim ang apela makaraang iulat ni Charge D’affaires of The Philippine Embassy to Libya Elmer Cato na  kaniya nang sinabihan ang nasa 60 OFWs na nasa Ali Omar Ashkr Hospital sa Esbea  na lisanin ang naturang lugar.

Inamin ni Locsin na wala nang lugar sa Tripoli na ligtas dahil patuloy ang rocket attacks.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs, nasa 32 Filipino na sa Libya ang napauwi nang magsimula ang kaguluhan noong Abril 4.

Nasa 1,000 Filipino ang nakabase sa Tripoli, batay sa datos ng DFA.

Magugunitang bagaman matagal nang pinayuhan ng DFA officials ang OFWs na umuwi na ay nagmatigas ang mga ito at ninais na makipagsapalaran dahil wala anilang naghihintay na trabaho sa kanila sa Filipinas.      EUNICE C.

Comments are closed.