DFA TULOY ANG PAGPAPAUWI SA MGA OFWs NA APEKTADO NG PANDEMYA

DFA

NAGPAPATULOY pa rin ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.

Sa huling tala, umabot sa 394,107 overseas Filipinos ang napauwi sa repatriation efforts ng kagawaran.

Sa nasabing bilang, 104,290 ang seafarers habang 289,817 naman ang land-based overseas Filipinos.

Sa mga nagdaang linggo, 6,501 overseas Filipinos ang nakabalik ng Filipinas.

Kabilang dito ang charterer flight mula Laos at Myanmar.

May medical repat din mula United States at ilang undocumented overseas Filipinos mula sa China at Malaysia.

Siniguro ng kagawaran na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga Filipino na stranded sa ibang bansa dahil sa COVID-19 travel restrictions. LIZA SORIANO

2 thoughts on “DFA TULOY ANG PAGPAPAUWI SA MGA OFWs NA APEKTADO NG PANDEMYA”

  1. 868019 389037Immer etliche Firmen bentzen heutzutage Interimmanagement als innovatives und ergnzendes Gertschaft i. Spanne der Unternehmensfhrung. Denn hiermit wird Kenntnisstand leistungsfhig, bedarfsgerecht und schnell ins Unternehmen geholt. 732409

  2. 693481 167415Hey! Im at function surfing around your weblog from my new apple iphone! Just wanted to say I love reading through your weblog and appear forward to all your posts! Maintain up the outstanding work! 798149

Comments are closed.