DFA UMAPELA SA ISRAEL HUWAG IPA-DEPORT ANG FILIPINO CHILDREN

Israel

NAKIUSAP ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Israel government na pagbigyan ang kahilingan ng Filipino parents na huwag pauwiin ang mga anak nilang doon isinilang o manatili sa country of birth.

“The Philippines calls on Israel, a close friend and a liberal democracy like the Philippines, to ensure a humane, just, and orderly consideration of the request of parents that their children be allowed to stay in their county of birth,” ayon sa DFA.

Sa pahayag ng DFA na kanilang nauunawaan ang kalagayan ng mga Filipino parent na nagsilang ng anak sa Israel na posibleng ipa-deport ng Israeli government.

Kamakailan ay isang overseas Filipino worker (OFW) at kaniyang Israeli-born son ang ipina-deport ng Israeli government.

Ipinaliwanag ng embahada ng Israel sa Maynila na ang kaso ng OFW ay dahil 12 taon itong ilegal na nanirahan sa kanilang bansa at hindi nag-renew ng kaniyang visa.

Paliwanag pa ng Israel embassy na kanilang kinikilala ang ambag ng mga Filipino worker sa kanilang bansa subalit kailangan ding sundin ang kanilang immigrant laws.

Batay sa ulat, daan-daang Filipino families ang nahaharap sa deportation. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.