DFA:WALANG JOINT PROBE SA ‘HIT AND RUN’ SA RECTO BANK

Secretary Teddy Boy Locsin

WALANG  mangyaya­ring joint investigation sa pagitan ng Filipinas at China kaugnay ng insidente sa Recto Bank.

Laman ito ng tweet ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin bilang reaksiyon sa mungkahi ng isang analyst na dapat payagan ng China na ma-interview ng mga kinatawan ng Filipinas ang crew o mangingisda ng sangkot na Chinese vessel.

Sinabi ni Locsin sa kanyang tweet na magkakaroon ng kanya-kanyang imbestigasyon ang Filipinas at ang China.

Una nang iminungkahi ng China ang joint investigation na agad namang winelcome ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“To find a proper solution, we suggest a joint investigation at an early date so the two sides can exchange respective initial findings and properly handle the matter through friendly consultations based on mutually-recognized investigation results,”  pahayag naman ni  Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang sa Beijing.

Ang pahayag ay ginawa ng Chinese official isang araw matapos nilang tawagin na “irresponsible” at “counter-constructive” ang “political interpretations” at mga kritisismo kaugnay sa insidente noong Hunyo 9.                     DWIZ882

Comments are closed.