DH NA MAY CANCER SINIBAK SA TRABAHO

CERVICAL CANCER

HONG KONG – SA halip na tulungan para magpagamot, sinibak ng kanyang amo na ­Pakistani ang isang domestic helper makaraang ma-diagnose na may cervical cancer.

Si Baby Jane Allas ay na-diagnose na may stage 3 cervical cancer noong Enero ay tinanggal ng kanyang amo dahil sa taglay nitong sakit.

Sa pagdinig sa kaso ni Allas, nagkasundo na babayaran ng US3,800 ang kasambahay para sa kanyang sickness allowance, medical fees at suweldo.

Subalit nais ni Allas na kasabay ng pagpapagamot ay makahanap ng iba pang lawyer habang nasa Hong Kong.

Nagsumite rin ito ng kanyang claims sa equal opportunites commission  at iginiit na mali ang pagsibak sa kanya dahil nawalan siya ng suweldo at kanyang idinulog na rin sa Hong Kong District Court.

Nabatid na mahigit isang taon nang nagtatrabaho si Allas sa kanyang mga amo na Pakistani ang lahi.

Nanawagan naman si Allas sa iba pang domestic helper na may kinahaharap na kagaya ng kanyang problema na lumantad upang masolusyunan ang kanilang pangamba.     GELO BAIÑO