DH NAPASAMA SA PEOPLE UNDER INVESTIGATION SA NCOV

HONG KONG – ISANG overseas Filipino worker (OFW) na kasama sa tatlo pang Chinese na inoobserbaha ang pinaghihinalaang tinamaan ng novel corona virus (nCoV).

Gayunman, sa mga sumunod na araw ay kinumpirma sa report sa isang TV news network na stable na ang lagay ng Pinay at ang nakitang pag-ubo, lagnat at sipon ay simpleng sakit lamang dahil malamig ang panahon doon.

Gayunman, ang ilan sa mga domestic helper sa nasabing Chinese territory ang nagsabi na masyado nang mahigpit ang kanilang amo sa pag­lilinis sa kanilang bahay at katawan.

Binawalan din anila silang lumabas upang hindi makasagap ng virus.

Mahigpit din anila ang bilin na magsuot ng  face mask, at dapat balot na balot ang kanilang isusuot.

Pinag-aalcohol din sila oras na makapasok sa bahay at kailangan munang maligo bago humawak sa gamit pangbahay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.