PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) at ng mga eksperto ang posibleng pag-adopt o pagpapatupad sa Metro Manila ng “Dharavi Model” laban sa pagkalat pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mga nagsulputang United Kingdom (UK) at South African variants sa bansa.
Ang Dharavi model ay ipinangalan sa isang lugar sa Mumbai, India at sinasabing naging matagumpay laban sa pagkalat sa COVID-19 sa mga urban area at kinikilala rin ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang “Dharavi Model” ay ipinatupad na dati sa ilang mga lugar noong Hulyo at Agosto, 2020, kung kailan nagkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.
Ipinaliwanag ni Vergeire na sa ilalim ng Dharavi Model ay magkakaroon ng intensibong contact tracing, gayundin ng pag-quarantine at isolation, sa mga pasyente upang kaagad na mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sinabi pa ni Vergeire na ang mga na-trace o natukoy na contact ay kailangang ay mai-quarantine na sa loob ng 24-oras, para kaagad na maputol ang transmission ng virus.
Samantala, mayroon nang “purposive sequencing” ang DOH upang makita naman ang extent o lawak ng variant kung mayroon man sa iba pang lugar sa Metro Manila.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Vergeire na makakapaglatag o makakagawa pa ng dagdag na mga hakbang ang pamahalaan at mga local government units (LGUs).
Nauna nang nagpulong ang DOH, ibang mga ahensya, LGUs sa Metro Manila at mga eksperto upang pag-usapan ang mga posibleng gawin sa nakikitang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, at presensya ng UK at South African variants. Ana Rosario Hernandez
330209 593995Made to measure curtains […]check out the websites listed below, worth a read for interiors and rugs enthusiasts[…] 631454