DHSUD LUMAGDA SA INTERNET MOA

DHSUD

NILAGDAAN sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Alpha 3 Technologies ang isang memorandum of agreement (MOA) na naglalayong makapagbigay ng mabilis na internet access sa housing projects ng pamahalaan.

Sa ginanap na press conference, ipinagmalaki ni DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario ang BALAI-Net project na isinusulong hindi lamang sa government housing projects kundi maging sa mga pribadong housing projects.

“This pact is part of the government efforts in providing Filipino families with modern housing communities nationwide equipped with necessary infrastructure facilities including information technology,” ani Del Rosario.

Sa ilalim ng kasunduang BALAI-Net project, magkakaloob ang Alpha 3 Technologies ng internet connectivity sa mga pabahay na may lakas na bandwidth na aabot sa 100 mbps kada bahay sa mga piling lugar na may garantiya na 99.99 porsiyento.

“This undertaking is another proof that great things can be achieved through effective partnership between the government and private sector,” dagdag pa ni Del Rosario.

Kabilang naman sa mga sumaksi sa naturang paglagda ng proyekto ay ang mga opisyales ng National Housing Authority (NHA) at Social Housing Finance Corporation (SHFC). BE­NEDICT ABAYGAR, JR./E. CELARIO

Comments are closed.