CAMP CRAME-ISANG 44-anyos na lalaking pulis ang panibagong nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service, as of May 25, umabot na sa 64 ang mga namatay sa police force.
Nakiramay naman si PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa kaanak na naulila ni Patient 64.
“Ako po ay personal na nakikiramay sa pamilya ng ating pulis na pumanaw dahil sa COVID-19. Kami ay nakikipag-ugnayan na sa pamilya ng pulis upang maipaabot ang anumang tulong na kailangan,” ayon kay Eleazar.
Si Patient 64 na isang chief clerk sa Zamboanga Provincial Police Office ay nagpositibo sa COVID-19 noong Mayo 7 at napasok sa ICU noong Mayo 21 dahil nahirapan sa paghinga at pumanaw noong Mayo 24 dahil sa respiratory failure
Nabatid din na hindi pa nababakunahan ng anti-COVID vaccine si Patient 64.
Samantala, 170 pulis pa ang nadagdag sa nagka-COVID-19 kaya sumampa na sa 23,013 ang kabuuang kaso ng naturang virus sa PNP.
Gayunman, may 99 na gumaling kaya 21,399 ang total recoveries habang 1,550 ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang pagamutan at health facilities. EUNICE CELARIO
640505 41611Oh my goodness! an excellent post dude. Thank you Nonetheless Im experiencing issue with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person acquiring identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 936381
703746 323426Id must verify with you here. Which isnt something I often do! I enjoy studying a publish that can make people feel. Also, thanks for permitting me to remark! 906070
463570 971598Hey there! Excellent post! Please when I will see a follow up! 319750