HINDI ang pagbubukas ng turismo ang sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
“’Yung sinasabi nilang pagtaas [ng kaso ng COVID-19] ay ibang rason — local transmission, not because of tourism,” wika ni Romulo-Puyat sa isang panayam sa radyo.
Paliwanag niya, nire-require ng local government units ang mga turista na magprisinta ng resulta ng COVID-19 test bago ang kanilang pagdating.
Dagdag pa niya, mahigpit na minomonitor ng DOT ang mga kaso ng COVID-19 na inireport sa mga tourist destination.
“’Yun talaga ang sinusubayayan natin,” aniya.
“Like for example, ‘yung sa Boracay, noong tumaas ‘yung cases nila, actually binawalan ang turista noong March. ‘Di ba noong March pa lang, binawalan na ang turista mula NCR Plus? Ang rason diyan ay local transmission not because of tourism,” giit ng kalihim.
“Tapos sa Baguio, puro local transmission… Tapos sa Puerto Princesa na akala rin dahil sa turismo. Imposible dahil never nag-accept ang Puerto Princesa ng turista. Magbubukas dapat for tourism noong March 22. Tapos naabutan ng pagtaas ng cases sa NCR. So hindi natuloy. It’s not because of tourism,” dagdag pa ni Romulo-Puyat.
785685 710Hiya! Wonderful blog! I happen to be a every day visitor to your website (somewhat far more like addict ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for a lot more to come! 718759
80810 120787Hey, you used to write wonderful, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past couple of posts are just a little bit out of track! come on! 358232
214540 957709Glad to be 1 of several visitants on this awesome website : D. 154732