(‘Di kasama ang supermarkets) PRICE CAP SA BABOY, MANOK PARA LANG SA PUBLIC MARKETS

Secretary William Dar-2

NILINAW kahapon ng Department of Agriculture (DA) na para lamang sa public o wet markets ang executive order ni Presidente Rodrigo Duterte na nagpapataw ng price cap sa baboy at manok sa Metro Manila.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang  Executive Order (EO) 124, na nagtatakda ng price ceiling sa kasim sa P270 per kilo, liempo sa P300 per kilo, at dressed chicken sa P160 per kilo.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food sa tumataas na presyo ng agri products, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang price cap ay ipatutupad simula sa Peb. 8, 2021.

Pangangasiwaan ito ng  local price coordinating council sa bawat LGU sa Metro Manila, sa tulong ng DA, Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government)l (DILG) at ng maramlng iba pang departamento.

Binigyang-diin ng kalihim na ang EO sa price cap sa baboy at manok ay para lamang sa public markets.”

“Itong price ceiling na ito ay para lang sa public markets. Bakit hindi pa isama ang supermarket? Para may option naman ang mamimili,” ani Dar.

Aniya, maraming supermarkets ang mas mura ang baboy kaysa sa public markets.

Ayon sa EO, ang price ceiling sa baboy at manok ay ipatutupad sa loob ng 60 araw subalit maaari itong palawigin kung irerekomenda ng DA at aaprubahan ng Pangulo.

Comments are closed.