WALANG pondo sa ilalim ng panukalang P5.268-trillion national budget para sa taong 2023 ang P500 na dagdag sa social pension ng Indigent o mahihirap na senior citizens.
Ito ang inamin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Tina Rose Marie Canda matapos isumite ang panukalang national budget sa Kamara noong Lunes.
Ayon kay Canda, kailangan ng P24.5-billion na karagdagang pondo para maitaas sa P1, 000 ang buwanang pensiyon ng mga lolo’t lola mula sa kasalukuyang P500.
Hindi pa, aniya, matukoy kung saan huhugutin ang pondo para sa dagdag-pensiyon.
Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na makikipag-ugnayan ang DBM sa mababang kapulungan ng Kongreso para maremedyuhan ang budget sa social pension.
DWIZ 882