MAY kirot sa puso ni Andi Eigenmann lalo na’t nami-miss niya ang kanyang baby na malayo sa kanya. Sa ngayon kasi ay nasa Siargao ang 29-anyos na aktres habang ang anak niyang si baby Elle ay nasa Maynila.
“Grateful to be on the island during this time, but life just isn’t the same without my darling Elle. I know she is doing great and safe in Manila but I miss her sooo much every single day,” sey ni Andi.
Gustuhin mang sugurin at yakapin ang anak, hindi ito magawa ng aktres matapos maipit sa pinaiiral na enhanced community quarantine.
BARBIE FORTEZA NAADIK RAMEN DAHIL KAY JAK ROBERTO
MAHILIG mag-travel ang magkasintahang Jak Roberto at Barbie Forteza.Sa kanilang out-of-town at international travels, aminado silang mahilig mag-food trip.
Sa latest vlog ng Jakbie, tinakam nila ang kanilang followers habang kumakain sila ng spicy noodles.Aminado kasi ang mag-dyowang mahilig sila sa ramen.
Katunayan, ikinuwento ni Jak na noong first date nila ay sa ramen house niya dinala si Barbie.
“Actually, ako ‘yung nag-introduce sa kanya ‘nung ramen ‘nung first date namin. Niyaya ko lang siya manood ng movie, tapos sinabi ko na may masarap na ramen, mag-lunch tayo doon, introduce ko sa kanya,” pagbabahagi niya.
“Sabi ko papa-try ko sa kanya iyong ramen na ‘yon, tapos after ‘nun, nagustuhan na niya. Kasi may level of spicy ‘eh, sabi ko ‘Barbs maanghang na ‘yung level three niyan. Sabi niya, ‘hindi, mahilig ako sa maanghang ‘eh, baka mabitin ako sa anghang.’ Tapos ginawang level four,” pahabol niya.
Pagkatapos daw noon, naging favorite na nila ang pagkain ng noodles at pumunta sa ramen house.