KAKANSELAHIN na ang business permit ng mga kompanyang hindi magbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Sa ilalim ng House Bill 6272 na inihain nina ACT-CIS party-list Reps. Jocelyn Tulfo, Eric Yap at Nina Taduran, binibigyang mandato ang lahat ng regional offices ng Department of Labor and Employment (DOLE) na repasuhin ang compliance report ng mga kompanya para sa 13th month pay.
Obligado naman ang mga kompanya at mga negosyo na magsumite ng kanilang compliance report na magiging batayan ng DOLE kung nagbibigay ang mga ito ng 13th month sa mga empleyado.
Sakaling may makitang deficiencies sa compliance report ay bibigyan naman ng limang araw ang mga kompanya para magpaliwanag.
At kapag may nakitang paglabag ay kakanselahin ang business permit ng mga ito.
Exempted naman sa panukalang ito ang mga financially distressed employer na hindi talaga kayang magbigay ng 13th month pay. CONDE BATAC
Comments are closed.