(‘Di maibenta dahil mabilis mabulok) BELL PEPPER ITINATAPON NA LANG SA N. VIZCAYA

MAHIGIT 20 crates o kahon- kahong bell pepper sa Nueva Vizcaya ang itinapon na lamang dahil hindi na maibenta.

Ang naturang kahon-kahong bell pepper ay hindi na maibenta dahil mabilis nang mabulok ang mga ito.

Nalulusaw umano ang mga bell pepper matapos na maulanan.

Dahil sa inabot na lugi, hinimok ng municipal agricultural office ang mga magsasaka na mag- avail ng crop insurance na programa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang makakuha ng agarang tulong ang mga ito sa ganitong insidente.

Sa ngayon ay kaunti na lamang ang suplay ng bell pepper sa mga pamilihan dahil sa bilis nitong masira tuwing tag/ ulan.

Madalas na ibinabagsak na lamang ng mga tindera ang presyo nito.

Kung minsan ay ipinamimigay na lamang din ng mga tindera at magsasaka ang mga bell pepper upang maipakain lamang sa mga alagang baboy.

Sa ngayon ay nasa P120 kada kilo ang presyo ng bell pepper mula sa P160 noong nakaraang linggo. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA