(‘Di na mapipigilan – PAFM) TAAS-PRESYO SA TINAPAY

HINDI na mapipigilan pa ang pagtaas ng presyo ng tinapay at iba pang produkto na gawa sa harina sa merkado.

Ito ang inihayag ni Ric Pingca, executive director ng Phippine Association of Flour Millers, dahil na rin sa pagmahal ng wheat na nagtutulak din sa pagtaas ng presyo ng harina.

Bukod sa tinapay, kasama rin sa mg produkto na apektado ang noodles, pasta, cake at maging ang mga pinakakain sa mga isda.

Sa ngayon, sinabi ni Pingca na sapat pa naman ang harina sa Pilipinas.

Sa kabila ng babala ni Pingca, sinabi naman ni Wilson Flores, may-ari ng isang bakery, na hindi sila makapagtaas ng presyo bunsod na rin ng pangamba na baka lalong walang bumili ng kanilang paninda.

– BETH C