‘DI PA TAPOS ANG LABAN (Lions rumesbak sa Game 2)

NCAA

Laro sa Martes:

(Mall of Asia Arena)

4 p.m. – San Beda vs Letran (Men Finals)

BINITBIT ni newly-minted season MVP Calvin Oftana ang San Beda sa 79-76 panalo laban sa Letran upang ihatid ang NCAA men’s basketball championship sa deciding game kagabi sa harap ng 18,407 fans sa Mall of Asia Arena.

Sumandal ang Red Lions kay Oftana upang mapanatiling buhay ang kanilang dynasty.

Nabawi ng San Beda ang trangko, 77-76, makaraang maipasok ni Oftana ang isang three-point play, may 19.1 segundo ang nalalabi.

Tinangka ng Knights na tapusin ang serye, subalit sumablay si Bonbon Batiller, tinanggap ang pasa mula kay Jerrick Balanza, sa lay-up nang tila dumulas ang bola sa kanyang mga kamay.

Sinelyuhan ni James Canlas ang panalo ng Lions sa pagsalpak ng dalawang free throws.

Nakatakda ang winner-take-all Game 3 sa Martes, alas-4 ng hapon, sa parehong Pasay venue.

Sa halip na maging ikalawang koponan makaraang mabigo ang Lyceum of the Philippines noong 2017 na kunin ang korona matapos na ma-kumpleto ang 18-0 elimination round sweep, ang San Beda ay magkakaroon ng pagkakataon na makopo ang kanilang ika-4 na sunod natitulo, at ang ika-23 overall.

Nasa panig pa rin ng Knights ang kasaysayan dahil ang huling 13 champions ay pawang nagwagi sa Game 1 ng Finals.

Iskor:

San Beda (79) – Canlas 21, Oftana 17, Doliguez 17, Cariño 7, Nelle 5, Soberano 5, Cuntapay 3, Tankoua 2, Abuda 2, Bahio 0, Noah 0,

Letran (76) – Yu 23, Muyang 17, Batiller 11, Ambohot 9, Balanza 9, Caralipio 7, Olivario 0, Ular 0, Mina 0, Reyson 0, Balagasay 0, Sangalang 0.

QS: 18-7, 37-25, 53-56, 79-76