(‘Di pumasok sa isip ang paglipat) DINGDONG DANTES BUONG BUHAY NA MAGIGING KAPUSO

dingdong dantes

MAGTATAPOS na ang contract ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa GMA Network at nagulat pa siya nang tanungin ng ilang entertainment press sa set visit ng “Cain at Abel,” kung lilipat ba siya ng ibang network?

“Wala, hindi ako lilipat,” sagot ni Dingdong.   “Hindi pumasok sa isip ko na umalis sa GMA Network.  Dito na ako tumanda at araw-araw nararamdaman ko ang warmth ng pagmamahal nila sa akin at I’m too grateful sa kanila.  Ipinagpapasalamat ko na they allowed me to explore, pinayagan nila akong gumawa ng pelikula sa ibang productions at sa aking production, ang Agosto 2.

“Buong buhay ko na akong magiging Kapuso.  Iyong pirmahan ng kontrata sa papel na lamang iyon, bahala na roon ang manager ko.  Like now, dalawa ang ginagawa ko sa GMA, itong action-drama series namin ni Dennis Trillo, ang “Cain at Abel,” at kahit ako, habang nagti-taping ng “Amazing Earth,” ako rin ay naa-amaze sa mga nalalaman ko tungkol sa kalikasan at sa mga hayop.  Ang anak kong si Zia, hindi siya matatakutin sa hayop, pero ipapanood ko ito sa kanya kapag nakaiintindi na siya talaga, although naa-amaze din ako sa kanya dahil may mga sinasabi na siyang hindi mo iisiping she’s only three years old.  Hayaan ko na muna siya na tutulungan daw niya ang Mama niya (Marian) sa pag-aalaga sa baby brother niya.  Inihahanda na niya iyong bed niya para sa kapatid daw niya.”

Kumusta naman siya as Daniel sa “Cain at Abel?”

“Natutuwa ako sa story ng “Cain at Abel” dahil napaka-rich nito, ang daming option na puwedeng puntahan ng story.  First time naming na-experience ni Dennis na may collaboration kami sa creative at sa mga directors namin.  Maganda ang working environment namin, kaya walang problema.”

Ano pa ang dapat abangan ng mga televiewer ng “Cain at Abel?”

“Abangan nila kung paano kami magkakasama ni Dennis, ako sa corporate world at siya sa kanyang mundo. Ako, gusto ko lamang malaman kung sino ang pumatay sa anak ni Elias (Dennis) dahil may kinalaman din ako kaya siya namatay.  Then kung paano namin makikilala ang aming ina at malalaman din namin ni Elias na kami pala iyong magkapatid na nagkahiwalay noong mga bata pa kami.  May lukso ba ng dugo kapag nagkaharap na kaming tatlo?”

Movies muna ang pagkakaabalahan ni Dingdong after ng action serye niya.  May nakahanda na siyang movie na gagawin sa Viva Films at sa kanyang Agosto 2 Productions.

At si­yempre, ang excited na nilang paghihintay ni Marian at ng kanilang coming baby boy by summer.  Ayaw pa ring sabihin ni Dingdong ang magi­ging name ng kanilang baby boy.

Ang “Cain at Abel” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA 7.

Comments are closed.