NAGULANTANG ang mga motorista na dumadaan sa Mercedez Ave sa Pasig City sa sorpresang operasyon na ginawa kahapon ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagtulungan sa Pasig City Police Station.
Ayon kay Sub-Station 6 Commander P/ Maj Medel Rafuson, isa isang pinapara ang mga sasakyan at motorsiklo na dumaraan naturang lugar upang masuri ang kanilang lisensya at hinanapan ng OR-CR kung saan ay sinisita rin ang mga nagmo-motorsiklo na walang suot na helmet.
Paliwanag ni Rafuson, target sa operasyon ang mga hindi rehistrado at mga nakaw na sasakyan dahil bahagi umano ito ang kanilang pinaigting na Anti-Criminality Campaign ng PNP.
Umaabot na sa 15 mga driver na ang naisyuhan ng ticket kahapon pasado alas-10 ng umaga kung saan karamihan sa mga paglabag na naitala ay hindi rehistradong sasakyan. ELMA MORALES
Comments are closed.