‘DI SAPAT AT ‘DI EPEKTIBONG PAMAMAHAGI NG AYUDA PINUNA

Carlos Zarate

DISMAYADO si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa aniya’y ‘di sapat at hindi epektibong pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga residenteng naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus.

Ito’y matapos mapaulat ang mga pagpila ng ilang oras ng mga residenteng kukuha ng naturang ayuda.

Ayon kay Zarate, para lang itong deja vu kung saan tila naulit lang ang eksena noong unang namahagi ng tulong ang gobyerno sa mga tao sa pagsisimula ng pandemya.

Maliban dito ay pinuna rin ni Zarate ang P1,000 ayuda ng gobyerno na aniya ay hindi sapat para tugunan ang pangangailangan  sa dalawang linggong lockdown.

Ilang barangay naman sa mga lugar ng Pasig ang nagkaloob na ng ayudang P1,000 kada tao sa bahay-bahay habang sa mga lugar sa Mandaluyong ay pumila ang mga residente para makakuha ng ayuda.

Ayon sa Pasig PIO, tatlong pamamaraan ang gagawing pamamahagi ng ayuda, ang mga ito ay sa pamamagitan ng bahay-bahay, sa Paymaya payout at on-site dustribution ng barangay.

4 thoughts on “‘DI SAPAT AT ‘DI EPEKTIBONG PAMAMAHAGI NG AYUDA PINUNA”

  1. 519814 63500Right after examine a couple of of the weblog posts within your website now, and I truly like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and may possibly be checking back soon. Pls take a appear at my site as effectively and let me know what you believe. 136140

Comments are closed.