NAGSAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng sunod-sunod na enforcement activities sa Cordillera Administrative Region (CAR) kamakailan bilang bahagi ng malawakang monitoring at enforcement efforts para sa pagtataguyod ng kalidad ng produkto at kaligtasan ng mga konsyumer.
Pinangunahan ni DTI-Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) Director Ronnel O. Abrenica kasama ang CAR Regional Consumer Protection Division, nakakumpiska ang grupo ng 12,820 piraso ng construction materials tulad ng steel bars, angle bars, at PVC pipes na nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong milyong piso (Php 3,000,000.00).
Sa lahat ng 29 na-monitor na establisimiyento sa rehiyon, 16 Notices of Violation (NOVs) ang inisyu sa mga nadiskubreng mga umano’y substandard at uncertified products na hindi nagtataglay ng marka ng Philippine Standard (PS) or Import Commodity Clearance (ICC).
Ipinaliwanag ni Director Abrenica na sa pamamagitan ng NOVs, ang mga establisimiyento ay binigyan ng 48 oras para mag-sumite ng kanilang nakasulat na paliwanag sa DTI bilang bahagi ng administrative due process bago mag-file ng formal charges.
Inulit naman ni Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Atty. Ruth B. Castelo na, “The DTI will stop at nothing in tracking down unscrupulous businesses. The protection of consumers is our utmost priority and we remain steadfast in our commitment. As the Department continues to intensify its monitoring and enforcement efforts, we advise the public to remain vigilant when purchasing products, especially construction materials. Always look for the PS or ICC mark to be assured of quality and safety.”
Para sa kompletong listahan ng mga produkto na dapat nagtataglay ng PS at ICC marks, tingnan ang BPS portal sa www.bps.gov.ph. Para mag-report ng mga establisimiyento at mga hindi sumusunod sa standard na produlto, tumawag sa DTI Consumer Care Hotline 1-384 (1-DTI) or email to [email protected].
Comments are closed.