(‘Di sumunod sa health safety protocols) LANDERS SUPERMARKET SINUSPINDE

Landers

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Pasig City Government  ang Landers supermarket dahil sa hindi pagsunod  sa Health Safety Protocols.

Ipinag-utos ng pamunuan ng Pasig City Government na sinuspendihin muna ang nasabing supermarket  na nasa Brgy. Ugong  dahil hindi tuma­lima ang mga ito sa Health Safety Standards na ipinatutupad ng lungsod.

Gayunpaman, nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto, ang mga restaurant, barbershop, plant shop, pharmacy at  parking Lot  ng Super Store ay bukas sa negosyo at tanging ang grocery lamang ang pansamantalang sarado.

Dagdag pa ni Sotto na nagpahayag naman umano ang management ng Landers ng  kanilang pagnanais na ayusin at sundin ipinatutupad na pagbabago na kung saan hinikayat ang mga ito na paigtingin pa ang Health and Safety Protocols sa kanilang negosyo.

Kasabay nito, ikinatuwa ng Pasig City Government  ang dumaraming bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 kung saan umakyat na sa 679 ang mga pasyenteng nakarekober,97 ang nasawi at umabot naman sa 583 ang active cases sa lungsod. ELMA MORALES

Comments are closed.