DI TINAMBANGAN SA QC

dance instructor

KASALUKUYAN pa rin na nagpapagaling ang isang dance instructor matapos itong tambangan ng tatlong suspek sa  Champaca St., Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Ayon sa ulat, ang biktima ay naglalakad sa Champaca St. ang bandang alas-9:00 gabi ng  June 8, 2019 na nakilalang si Michael allan Velasco y hicalao, 40 anyos, at isang dance instructor, na kasalukuyang residente ng  #102 C. Benitez st. Cubao QC.

Sinsabing isa sa mga suspek na si alyas Ronie, na lulan ng mio motorcycle na kulay itim at nakasuot ng itim na  helmet at brown jacket.  Simula palang ay nagpadala ng mensahe kay Velasco na nais ng nitong magpaturo ng sayaw sa biktima dahilan naman upang kitain ng biktima ang nasabing kausap nito sa cellphone.

Nang makarating ito sa lugar kung saan ang napag-usapang tagpuan at lugar kung saan ang napag-usapan ng bigla na lamang lumabas ang 2 motorsiklo na lulan ng (3) lalaki at walang habas na pagbabarilin ang biktima ng 9 na beses.

Agad namang umalis ang mga suspek matapos ang krimen habang mabilis naming naitakbo sa pagamutan ang biktima.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.