Diabetes Mellitus at Ang Pagpalya ng Kidneys

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ISA sa pinakamadalas na sanhi ng pagpalya ng ating kidneys ay ang sakit na Diabetes mellitus, ang naturang sakit ay sanhi ng matagal or chronic complication ng sakit na Diabetes mellitus or DM, kaya ang sakit na Diabetic Nephropathy ay maaring mapunta sa tinatawag na Chronic kidney Disease or CKD.

Ang CKD ay mayroong mga stages mula 1 hanggang 4, ang isang pasyente na mayroon nito kapag hindi maagapan ay maaring mapunta sa tinatawag na End Stage Renal Disease na nangangailangan ng Kidney Transplantation para malunasan. Ang CKD, depende sa lubha at stage ay nangangailangan ng malimit na Renal Dialysis na maaring sanhi ng hirap pinansyal sa isang pamilya.

Ayon sa pag aaral na ginawa ng National Kidney Institute ng Pilipinas 60 percent ng mga nangangailangan ng Renal dialysis ay dahil sa Diabetes at Hypertension, kaya naman napakaimportante para sa isang tao na mapangalagaan ang kanilang Blood Sugar Levels at pati na din ang kanilang kidneys.

Ang Diabetic Nephropathy ay nangyayari sa isang taong may Diabetes, mahirap itong malaman ng isang tao sapagkat ito ay walang simtomas at kalaunan ito nalang ay bubulaga kapag ito ay malubha na. Ang damage sa isang kidney sanhi ng diabetes ay may relasyon sa mga maliliit na blood vessels na inaapektuhan nito, bukod pa dito ang Glucose na nasasala ng ating kidneys ay may direct damage sa tissues nito. Ang mga damages na sanhi ng Diabetes ay nag-aaccumulate sa pagdaan ng panahon, at makalipas ng 5 hanggang 7 taon saka nagkakaron ng significant effects sa function ng kidneys. Ang mga Proteins na normal na sinasala ng ating kidney pabalik ng ating katawan ay nailalabas dahil sa damage na ito, makikita ito sa ihi ng isang tao at ito ay tinatawag na Protenuria (Protein sa ihi) at Microalbuminuria (Albumin sa ihi) depende kung gaano katindi ang damage sa Kidneys.

Ang sakit na Diabetic Nephropathy ay maiiwasan sa pamamagitan ng maayos na sugar control, nangyayari ito sa pamamagitan ng relihiyosong pag-inom ng ating mga Diabetic medicines na binigay ng ating mga doctor. Ang pag momonitor ng ating blood sugar levels sa pamamagitan ng Fasting Blood Glucose, Random Blood Glucose at Hemglobin A1C, ay magbibigay ng tamang estado ng control ng blood sugar ng isang taong may Diabetes. Ang tamang diet, pag eehersisyo, pag-iwas sa mga bisyo at pa- inom ng tubig malimit ay ang mga bagay na dapat gawin ng isang taong may Diabetes mellitus para protektahan ang kanilang mga Kidneys at maiwasan ang iba pang complication ng sakit na ito.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem- 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate

4 thoughts on “Diabetes Mellitus at Ang Pagpalya ng Kidneys”

Comments are closed.